Isang regional rapid-response network ng mga eksperto sa mental health at child protection ang planong itatag kasunod ng naganap na pamamaril sa San Jose National High School sa lungsod na ito.
Layunin nitong mas mapabilis ang pagtugon ng mga paaralan sa mga insidente ng karahasan, trauma, at matinding stress ng mga mag-aaral.
Ito ang inihayag ni Leyte Representative Ferdinand Martin G. Romualdez matapos ang kaniyang pakikipagpulong nitong Lunes sa mga opisyal ng Commission on Higher and Technical Education (CHED), Department of Education (DepEd), Department of Health (DOH), at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Tacloban City.
Bukod sa pagbuo ng rapid-response network, inilatag din ni Romualdez ang iba pang prayoridad upang matiyak ang kaligtasan ng mga kabataan kabilang ang preventive education para sa mga estudyante, magulang at guro at mental wellnes. | ulat ni Melany Reyes