Tinatayang aabot sa higit 1 milyong minimum wage workers sa National Capital Region ang makikinabang sa aprubadong P85 dagdag sa arawang sahod, ayon sa Malacañang.
Sinabi nitong alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mapataas ang kita ng mga manggagawang Pilipino.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang bagong wage order para sa NCR.
Ipatutupad ang dagdag-sahod sa dalawang yugto, P60 simula Hulyo 19 ngayong taon, at karagdagang P25 pagsapit ng Enero 2027.
Sa kabuuan, inaasahang higit 1.1 milyong minimum wage earners sa NCR ang direktang makikinabang sa wage increase at maaring umakyat hanggang sa P780, na bahagi ng hakbang ng pamahalaan upang palakasin ang kita ng mga ordinaryong manggagawang Pilipino.