Umabot na sa 8,000 ang crowd estimate ng mga nagtipon sa EDSA People Power Monument ngayong umaga, ayon sa Quezon City Police District (QCPD).
Dahil dito, nagdagdag na ng deployment ang QCPD na umabot na rin sa humigit-kumulang 900 na nakatalaga para tiyakin ang seguridad, kaayusan, at kaligtasan ng mga kalahok at publiko.
Ayon sa QCPD, alas-3 pa lang ng madaling araw ay naglatag na ng security coverage si QCPD Chief Police Brigadier General Randy Glenn Silvio kaugnay ng INC emergency rally.
Kanina, nagsagawa na rin ng inspeksyon si NCRPO Regional Director Police Major General Anthony Aberin kasama si PBGEN Rodel Pastor sa mga nakadeploy na tauhan sa People Power Monument para matiyak ang kahandaan ng security measures.