Photo courtesy of MMDA
Inabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na iwasan muna ang bahagi ng EDSA White Plains Avenue sa Quezon City.
Ito’y kasunod na rin ng isinagawang lightning rally ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo mula kaninang madaling araw.
Ayon sa MMDA, mahigpit nilang binabantayan ang sitwasyon at nagpadala na rin ng sapat na bilang ng mga tauhan para tumulong sa mga awtoridad at pagmamando ng trapiko gayundin sa pagpapanatili ng kaayusan.
Dahil dito, pinapayuhan ng ahensya ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta upang maiwasan ang abala.