Pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara ang pamamahagi ng mainit at masustansyang pagkain sa 37 mag-aaral ng National Child Development Center sa Pantabangan, Nueva Ecija.
Ito’y bilang paghahanda na rin sa pagsisimula ng Nutrition Month bukas, July 1 na layong labanan ang epekto ng kakulangan sa nutrisyon ng mga mag-aaral na naka-aapekto sa kanilang edukasyon.
Ayon sa kalihim, sinisikip nilang palawakin ang supplemental feeding program para tiyakin na may sapat na nutrisyon ang bawat estudyante habang sila’y nag-aaral.
Kaniyang binigyang-diin na ang malusog na pangangatawan ang pundasyon ng mga reporma dahil batid niyang mahirap mag-aral at mag-focus kapag nagugutom ang bata.
Matapos nito, namahagi naman si Angara ng storybooks at school bags sa mga mag-aaral sa Kindergarten hanggang Grade 3 sa Marikit Integrated School na magpapatalas ng kanilang kakayahan sa pagbabasa.
📸 DepEd

