Humingi ng paumanhin ang Philippine National Police (PNP) sa publiko dahil sa aberya at trapikong dulot ng isinagawang kilos-protesta ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) sa kahabaan ng EDSA.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Allen Rae Co, ginagawa ng PNP ang lahat ng kinakailangang hakbang upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan at maibalik sa normal ang sitwasyon.
Sinabi ni Co na alinsunod sa direktiba ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., magdaragdag pa ng mga pulis sa mga lugar na nangangailangan ng mas maigting na seguridad, kasabay ng mahigpit na pagpapatupad ng maximum tolerance.
Dagdag pa ni Co na mag-uusap ang PNP at DILG upang matukoy kung hanggang kailang lang maaaring payagan ang isinasagawang rally ng INC.
Posible naman managot ang INC dahil sa paglabag sa Public Assembly Act of 1985. Umaasa naman ang PNP na magtatapos ang kilos-protesta nang mapayapa.