Epektibo na ngayong araw July 1 ang implementasyon ng Balik Ginhawa 2 program ng Government Service Insurance System (GSIS) para sa mga miyembro nito.
Sa panayam ng Ronda Pilipinas kay GSIS Senior Vice President Racquel De Guzman Buensalida, sinabi nitong sa ilalim ng Balik Ginhawa 2 ay mas pinalawak na ang loan moratorium program ng GSIS kung saan mula sa dating tatlong buwang amortization refund ay pinalawig na ito hanggang anim na buwan.
Pasok sa nasabing amortization refund ang mga miyembro na may amortization remittance mula December 2025 hanggang May 2026.
Ani Buensalida, alinsunod pa rin ito sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mabigyan ng dagdag na pinansiyal na kapasidad ang mga Pilipino na apektado ng energy crisis.
Binigyang-diin din ng GSIS, na tanging mga aktibong miyembro na may loan account at may aktibong loan amortization payment ang maaaring maka-avail ng Balik Ginhawa 2 program.
How are we going to apply the additional 3 months