Photo from Senate of the Philippines FB
Sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na posibleng sa mismong impeachment trial pagpapasyahan ang pagbubukas ng BIR box na naglalaman ng mga tax record ni Vice President Sara Duterte.
Una nang naghain ang House prosecution panel sa impeachment court ng manifestation upang pabuksan ang BIR box sa pre-trial conference at mamarkahan ang mga laman nito.
Ayon kay Gatchalian, wala nang isasagawang pre-trial conference ngayong linggo para buksan at markahan ang BIR box.
Inihayag rin ng Senate President na sa mismong paglilitis malamang na dedesisyunan ng Senate impeachment court ang pagbubukas ng selyadong kahon.
Gayunman, hindi nakikita ni Gatchalian na tatalakayin agad ito sa pagbubukas ng trial sa Lunes, kundi kapag inihain na ito ng House prosecution panel sa gitna ng paglilitis.
Ang kahon ay isinumite ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa House Committee on Justice, na nagpalabas ng subpoena para sa tax record ni Vice President Duterte.
Gayunman, hindi ito binuksan sa Kamara bilang pagtalima sa non-disclosure provisions ng National Internal Revenue Code (NIRC).