Isinusulong ni Senador Raffy Tulfo ang agarang pag amyenda sa RA 9344 o ang juvenile justice law para mapondohan ang pagpapatayo ng hiwalay na detention facility para sa mga menor de edad na nakagawa ng heinous o karumal-dumal na krimen.
Sa pagdinig sa senado, binigyang diin ni tulfo na hindi sapat na nilalagay lang sa mga bahay pag asa ng DSWD ang mga batang Child in Conflict with the Law (CICL) na nakagawa ng heinous crime.
Aniya, dito kasi ay madalas bine-baby lang sila habang isinasailalim sa intervention and rehabilitation at kalaunan ay makakalaya na.
Naniniwala ang senador na hindi sila dapat ihalo sa hardened criminals ang mga batang nakagawa ng heinous crime pero hindi rin aniya dapat mawala ang mensahe na ang bawat aksyon ay may consequence.
Ang suhestiyong ito, sinang-ayunan naman ni Ginang Jennylyn Badoria, ina ng isa sa mga nasawi sa school shooting sa Tacloban noong June 22.
Inirekomenda rin ni Senator Raffy na aralin at ikonsidera ng Department of Education (DepEd) ang supervised boot camps o carefully designed immersion programs kung saan pwedeng magbahagi ng kanilang istorya at lecture ang mga reformed ex-Persons Deprived of Liberty (PDL) sa mga bata. | ulat ni Nimfa Asuncion