RTVM Screengrab
Asahan na ang mga kasunduang magpapatibay sa relasyon ng Pilipinas at Canada, sa nakatakdang pagbisita ng Pangulo sa Vancouver, simula ngayong araw hangang sa Linggo (July 5).
Ayon kay Communications Usec. Claire Castro, ang pagbisitang ito, paiigtingin lamang ang matatag na relasyon at samahan ng dalawang bansa.
Ilan aniya sa mga kasunduan na posibleng mailabas, mayroong kinalaman sa linya ng enerhiya, natural resources, labor, kalakalan at pamumuhuna, kultura, at sining.
“May ilang mga formal frameworks of cooperation at iba’t ibang kasunduan ang inaasahang ilalabas sa pagbisita ng Pangulo lalo na sa mga rea ng energy, natural resources, trade and investment, labor and immigration, tourism, culture and the arts.” —Usec. Castro.
Bukod dito, inaasahan rin ang ilang formal frameworks na mailalabas sa mga pakikipagpulong ni Pangulong Marcos sa mga opisyal ng Canada. “Ito po ang maibibigay namin sa ngayon. Unang-una po, ang pagbisita po ng Pangulo sa Canada ay para mas paigtingin pa ang magandang relasyon sa bansang Canada. At nananatiling masigla at matatag ang samahan ng Pilipinas at ng Canada.” — Usec. Castro.