Photo courtesy of Pres. Bongbong Marcos/FB
Asahan na ang kaliwa’t kanang pakikipag-pulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga malaking kumpaniya o economic players ng Canada, upang maisulong ang patuloy na pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas.
Ayon kay Communications Usec. Claire Castro, ilan lamang sa mga inaasahang makakapulong ng pangulo, ang mga business leader sa Canada, partikular sa linya ng IT, Business Process Management, Financial Services, Nuclear Energy, Telecommunications, at Mining.
Ang pagbisitang ito ng pangulo sa Vancouver simula ngayong araw (July 1) hanggang sa Linggo (July 5), bilang tugon sa nauna nang imbitasyon ni Canadian Prime Minister Mark Carney, noon pang 2025.
Ang dalawang lider, nakatakdang magpulong kung saan matatalakay ang pagpapalawak pa ng kooperasyon sa iba’t ibang larangan, lalo na ang pag-aaral sa progreso ng kooperasyon ng dalawang bansa sa depensa, seguridad, at economic resiliency.
Gayunrin sa linya ng enerhiya, critical minerals, at people to people exchanges.
“Nakatakda ring dumalo ang Pangulo sa iba’t ibang business meetings at private sector engagement partikular sa pakikipagpulong ng Pangulo sa economic players ng Canada sa larangan ng mining, IT and business process management, telecommunications, nuclear energy and financial services. So, ito po ang mga maaaring maganap sa pagpunta ng Pangulo at pagbisita sa bansang Canada.” —Castro.