Bukas na sa mga residente ng Agno, Pangasinan ang temporary steel bridge na nag-uugnay sa Barangay Bangan-Oda at Barangay San Juan.
Pinalitan nito ang pinagtagpi-tagping tulay na kawayan na pansamantalang ginagamit matapos masira ng tatlong bagyo noong Hulyo 2025 ang dating hanging bridge sa Balincaguing River.
Ayon kay Public Works Secretary Vince Dizon, iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mabilis na pagtatapos ng proyekto upang mas maging ligtas ang pagtawid ng mga residente, lalo na ng mga estudyanteng pumapasok sa paaralan.
Natapos ang konstruksyon ng steel bridge sa loob ng 45 araw matapos simulan noong April 30, 2026, at binuksan sa publiko noong June 16, 2026.
Unang ininspeksyon ni Dizon ang lugar noong Marso 2026 matapos matukoy ang pangangailangan ng mas ligtas at matibay na tulay para sa mga residente.