Photo courtesy of Department of Trade and Industry
Kangkong chips, tsokolate at ang kinalakihan ng lahat na flavored cupcakes, ilan sa ibinida ng Department of Trade and Industry (DTI) noong National Day sa Pan Pacific Orchard, Singapore.
Bilang paggunita ng Independence Day ng Pilipinas nagkaroon ng programa ang Philippine Embassy sa Singapore at dito naibida ang mga masusuntansya at sikat na Filipino snacks sa “Taste of the Philippines” pavillion.
Nabigyan naman ng pagkakataon ang Singaporean government ministers, foreign diplomats at high-profile business leaders na matikman ang mga produktong Pinoy.
Naniniwala ang DTI na ang mga ganitong oportunidad ay naglalapit sa mga local distributor at exporter na pasukin ang international business at palakasin ang mga local businesses sa Pilipinas.
Pagkakataon din ito upang muling ipagmalaki ang produktong Pinoy.