National Disaster Resilience Month 2026, ipinagdiriwang ng DFA
Bilang aktibong miyembro ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at lead agency ng Philippine International Humanitarian Assistance (PIHA) Cluster.
Nakikiisa ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month (NDRM) 2026.
Muling pinagtitibay ng Departamento ang pangako nitong tiyakin ang epektibong international coordination, pagpapadali ng humanitarian assistance at pagpapalakas ng pakikipagtulungan sa international community bilang suporta sa paghahanda, pagtugon, pagbangon, at katatagan ng Pilipinas.