Kinumpirma mismo ni Department of Energy (DOE) Secretary Sharon Garin na malapit nang maabot ng Pilipinas ang renewable energy target nito
Sa ngayon ayon kay Garin ay naabot na ng Pilipinas ang 25% renewable energy threshold sa buong bansa na napakalapit na sa itinakdang 30% target ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Isa sa mga nakikitang sagot ni Energy Sec. Garin upang maabot na ang target na ito ay ang pagpapalakas pa ng renewable energy industry sa Pangasinan kasunod ng inagurasyon ng 92 megawatt peak solar facility ng Aboitiz Renewables Incorporated sa Barangay San Roque, San Manuel, Pangasinan.
Sa ngayon, on-track ang DOE sa pagkakasa ng renewable energy projects upang mapatatag pa ang energy security ng bansa.