Humarap sa pagdinig ng Senado si PSSg. Arla Ray Paciencia, ang tiyahin ng isa sa mga menor de edad na suspek sa pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City.
Sa pagdinig, ibinahagi ni PSSg. Paciencia na interesado umanong maging pulis ang kanyang pamangkin.
Sinabi rin nito na isang beses lamang niyang isinama sa firing range si alyas Nash.
Natanong din ng mga senador kung paano nakuha ng menor de edad ang kanyang PNP-issued Glock 17.
Paliwanag ng policewoman, hindi nakatira sa kanyang bahay ang pamangkin at tinutulungan lamang niya ito sa pinansiyal na pangangailangan dahil 4Ps beneficiary ang mga magulang nito.
Aniya, pwersahang pinasok ni alyas Nash ang kanyang bahay at pwersahan ding binuksan ang plastic box na kinalalagyan ng kanyang baril.
Sinabi ni Paciencia na in good faith siyang itinago ang kanyang baril sa plastic box dahil siya lamang ang nakatira sa kanyang bahay.
