Dahil sa mga pag-ulang dulot ng bagyo at habagat, bahagyang tumaas ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa nakalipas na 24-oras.
Sa update ng PAGASA Hydromet Division, kaninang alas-8 ng umaga, nadagdagan ito ng 42 sentimetro kaya nasa lebel na ito na 160.32 meters.
Mas mataas ito kumpara sa naitalang 159.90 meters noong miyerkules gayunman ay nasa critical threshold pa rin.
Ang Angat Dam sa Bulacan ang pangunahing pinagkukunan ng tubig ng Metro Manila at ang normal high water level nito ay nasa 212 meters above sea level.
Samantala, bumaba naman sa magdamag ang lebel ng tubig sa La Mesa dam, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya dam.