Nagsimula nang mag-ikot sa mga eskwelahan ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council para sanayin ang mga estudyante na maging handa sa anumang sakuna.
Ikinasa ang unang leg ng “Batang QC, Laging Ready” Caravan sa North Fairview Elementary School, kung saan tinuruan ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga laro, demo, at hands-on activities tungkol sa disaster preparedness at tamang pagtugon sa emergency.
Una nang sinabi ni QC Mayor Joy Belmonte na palalakasin sa mga paaralan sa lungsod ang school emergency response protocols, drills at simulations para alam ng mga estudyante at guro ang gagawin sa anumang insidente.
📸 QCDRRMO

