Binigyang-diin ng United Nations Conference on Trade and Development o UNCTAD na hindi “quick fix” ang mararamdamang solusyon ng iba’t-ibang developing countries sa buong mundo bunsod ng unti-unting pagbubukas ng Strait of Hormuz.
Ayon kay UNCTAD Secretary General Risi Marcelo, aabutin ng matagal na panahon bago pa makabangong muli ang mga bansang labis na naapektuhan ng economic shocks bunsod ng pagsasara ng Strait of Hormuz.
Patikular na tinukoy ni UNCTAD Secretary General Marcelo ang malaking epekto sa global food logistics, transport at public finance systems ng iba’t ibang mga bansa.
Sa katunayan ramdam pa rin sa mahihirap at developing countries ang pang-matagalang epekto sa presyo ng pagkain, transportasyon at energy cost dahil sa halos 100 araw na pagsasara ng Strait of Hormuz.