Naniniwala ang Malacañang na mas maiging hayaang umandar ang proseso at latag ng mga ebidensiya para madetermina kung dapat makasuhan o hindi si Senador Rodante Marcoleta.
Ayon kay Palace Press Officer Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro, makabubuting ipaubaya ang paggulong ng proseso para malaman kung sadyang dapat na may kaharaping asunto ang senador.
Kung ang nais aniya ng mga nagra-rally sa EDSA ay transparency at accountability ay walang problema gayung ginagawa na aniya ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Pero kung ang igigiit naman ay huwag kasuhan ang mambabatas, sinabi ni Castro na baka dito makompromiso ang Ombudsman kaya’t mabuting hayaan na lang ito sa pagdedetermina kung kakasuhan ang senador o hindi.