Wala sa hinagap ng Malacañang ang posibilidad na gagawa ng paglusob sa Palasyo ang mga raliyista na nagpoprotesta sa EDSA.
Ito ang binigyang-diin ni Palace Press Officer Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro sa harap ng mga kumalat sa social media na umanoy may magaganap na Malacañang siege.
Ayon kay Castro, ayaw at hindi nila paniniwalaan na mga miyembro ng INC ang makakagawa ng gayung hakbang at kanila aniyang iginagalang ang integridad at liderato ng Iglesia.
Hindi aniya nakikita ng Malacañang na ang layunin ng pagtitipon ng INC ay darating sa destabilisasyon.
Kaya ang pakiusap, ani Castro, nila sa Iglesia, maging maingat at baka magamit ng ibang mga tao na ang nais ay patalsikin ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.