Buo at matibay ang suporta ng bansang Belgium para tuluyan nang maisapinal at ganap na ma-implementa ang Free Trade Agreement (FTA) ng Pilipinas at European Union.
Ayon kay Belgian Deputy Prime Minister and Minister of Foreign Affairs Maxime Prevot, isa ang Belgium sa mga founding member ng European Union kaya naman kumpiyansa sila sa magiging maayos na takbo ng proseso ng Free Trade Agreement.
Makakaasa umano ang Pilipinas na magsisilbing malakas na tagasuporta ang Belgium upang ganap nang maisapinal ang FTA at mapaunlad pa ang trade relations ng Pilipinas at Belgium.
Samantala, labis naman ang naging pasasalamat ng Department of Foreign Affairs sa nakuhang re-affirmation ng Pilipinas sa bansang Belgium sa pagtutulak na maisa-pinal na ang European Union-Philippines Free Trade Agreement.
Ayon kay Foreign Affairs Sec. Ma. Theresa Lazaro, napakalaking bagay ng suporta ng Belgium sa Pilipinas gayundin ang iba pang kasaping bansa ng European Union o EU.
Dagdag pa ni Lazaro na inaasahang sa mga susunod na buwan at maisasapinal na ang FTA negotiations ng Pilipinas at European Union.