Aabot sa higit sa P10 Million halaga ng iligal na droga ang nasabat ng Bureau of Customs at NAIA-PDEA IADITG mula sa isang inbound parcel sa Central Mail exchange Center mula Canada.
Ayon sa Avsegroup ang parcel ay idineklara na iba’t ibang pagkain, personal effects, damit, kendi, cereal, at iba pang gamit sa bahay.
Nang sumailalim sa routine cargo X-ray screening at manual inspection ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) nadiskubre ang humigit-kumulang 2,385 gramo ng black crystalline substance na pinaghihinalaang Methylenedioxymethamphetamine (MDMA), na karaniwang kilala bilang “Ecstasy,” na may tinatayang Standard Drug Price (SDP) na PhP 10,136,250.00, kasama ang 942 na naglalaman ng pink na mga parcels na pinaghihinalaang naglalaman ng mga delikadong gamot.
Naaresto naman ang claimant ng parcel na American National 37-anyos matapos niyang i-claim shipment na naglalaman ng iligal na droga. | ulat ni Aj Ignacio