Nananawagan si Senador Joel Villanueva na mapabilis ang pagpasa ng panukalang batas na magbibigay ng mas malaking proteksyon sa mga Overseas Filipino worker (OFW) laban sa mataas at hindi malinaw na remittance fees.
Ito ay kasunod ng inisyatiba ng Department of Finance (DOF) na humanap ng mga paraan para mabawasan ang singil sa pagpapadala ng pera ng mga OFW sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas.
Ayon kay Villanueva, nagbibigay ito ng panibagong pagkakataon para maisulong ang OFWs Remittance Protection Bill o Senate Bill 1917, na inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at huling na pagbasa noong March 2026.
Sa ilalim ng panukala, oobligahin ang mga remittance service provider na malinaw na ipakita ang lahat ng bayarin at foreign exchange rates para maiwasan ang hindi makatarungang kaltas sa ipinapadalang pera ng mga OFW.
Ipinagbabawal din ng panukala ang biglaan o unilateral na pagbabago sa mga singil, inaatasan ang konsultasyon sa mga stakeholder bago magpatupad ng fee adjustments, at nagpapataw ng parusa sa mga lalabag.
Ayon kay Villanueva, layunin ng panukala na tiyakin ang patas na sistema para sa mga OFW sa pamamagitan ng mas malinaw na remittance costs, mas matibay na consumer safeguards, at mas mataas na pananagutan ng mga financial service provider.
Binigyang-diin din ng senador na malaki ang ambag ng mga OFW sa ekonomiya ng bansa kaya nararapat lang na matiyak na ang kanilang pinaghirapang kita ay mapupunta nang buo sa kanilang mga mahal sa buhay at hindi mababawasan ng hindi kinakailangang mga bayarin.
Panukalang magpapababa ng remittance fees ng mga OFW, pinanawagan ni Senador Joel Villanueva na maipasa na.
Nananawagan si Senador Joel Villanueva na mapabilis ang pagpasa ng panukalang batas na magbibigay ng mas malaking proteksyon sa mga overseas Filipino worker (OFW) laban sa mataas at hindi malinaw na remittance fees.
Ito ay kasunod ng inisyatiba ng Department of Finance (DOF) na humanap ng mga paraan para mabawasan ang singil sa pagpapadala ng pera ng mga OFW sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas.
Ayon kay Villanueva, nagbibigay ito ng panibagong pagkakataon para maisulong ang OFWs Remittance Protection Bill o Senate Bill 1917, na inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at huling na pagbasa noong March 2026.
Sa ilalim ng panukala, oobligahin ang mga remittance service provider na malinaw na ipakita ang lahat ng bayarin at foreign exchange rates para maiwasan ang hindi makatarungang kaltas sa ipinapadalang pera ng mga OFW.
Ipinagbabawal din ng panukala ang biglaan o unilateral na pagbabago sa mga singil, inaatasan ang konsultasyon sa mga stakeholder bago magpatupad ng fee adjustments, at nagpapataw ng parusa sa mga lalabag.
Ayon kay Villanueva, layunin ng panukala na tiyakin ang patas na sistema para sa mga OFW sa pamamagitan ng mas malinaw na remittance costs, mas matibay na consumer safeguards, at mas mataas na pananagutan ng mga financial service provider.
Binigyang-diin din ng senador na malaki ang ambag ng mga OFW sa ekonomiya ng bansa kaya nararapat lang na matiyak na ang kanilang pinaghirapang kita ay mapupunta nang buo sa kanilang mga mahal sa buhay at hindi mababawasan ng hindi kinakailangang mga bayarin. | ulat ni Nimfa Asuncion