Inaasahang maghahain ngayong linggo ang Office of the Ombudsman ang kasong plunder laban kay Sen. Rodante Marcoleta.
Ito ang kinumpirma ni Assistant Ombudsman Mico Clavano.
Ayon kay Clavano, “on-track” ang pagsasampa ng kaso laban sa senador sa Sandiganbayan.
Kaugnay naman ng pahayag ni Marcoleta na handa siyang magpaaresto, sinabi ni Clavano na hindi Ombudsman ang aaresto sa kanya.
Matatandaang nag-ugat ang kasong plunder sa umano’y pagtanggap ni Marcoleta ng P75 milyong campaign donations para sa kanyang kandidatura sa pagka-senador. Kabilang sa mga kapwa niya akusado si dating Rep. Mike Defensor, na isa sa mga nagbigay ng donasyon.
Ang mismong kasong plunder ang naging dahilan ng kilos-protesta ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) bilang suporta kay Marcoleta. | ulat ni Diane Lear