Kinumpirma ng Philippine Airlines na naantala ang isa nilang biyahe patungong Hong Kong sa NAIA kaninang umaga matapos na makatanggap ng bomb threat.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, alas-8:30 ng umaga kanina nang matanggap ang bomb threat ang flight PR300 ng PAL.
Dahil dito, agad na nag-deploy ng mga tauhan ang PNP Aviation Secutiry Group Airport Police K9 unit at APD Light Reaction Section upang suyurin ang loob ng eroplano kaya pansamantalang ibinaba ang lahat ng mga bagahe sa eroplano.
Alas-11:30 ng umaga nang ideklara ng PNP Aviation Security Unit na cleared o negatibo sa anumang presensya ng pampasabog ang naturang eroplano.
Sa ngayon naman nabigyan na ng clearance ang eroplano na bumiyahe patungong Hong Kong.