Department of Tourism - Philippines
Opisyal na binuksan sa publiko ang pinakabagong rehiyonal na sangay ng National Museum of the Philippines (NMP) na matatagpuan sa Sitio Cabituculan, Barangay Reserva, Baler, Aurora.

Ang inagurasyon ng NMP-Baler ay naging mas makabuluhan dahil kasabay ito ng pagdiriwang ng ika-24 na Philippine-Spanish Friendship Day, na nagpapakita ng malalim at makasaysayang ugnayan ng Pilipinas at Espanya.
Ang modernong gusali ay idinisenyo ng tanyag na arkitektong Pilipino na si Ed Calma. Kinuha ang inspirasyon ng disenyo nito mula sa natural na anyo ng Sierra Madre Mountain Range at sa kultural na ganda ng Aurora.


Photo courtesy of Department of Tourism – Philippines
Simula Hulyo 1, 2026, bukas na ang NMP-Baler para sa lahat ng lokal at dayuhang turista mula 9:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. araw-araw, maliban sa mga opisyal na holiday ng pamahalaan. Gaya ng iba pang pambansang museo, walang bayad o “Free Admission” ang pagpasok dito.
Inaasahan na ang bagong landmark na ito ay magbibigay ng malaking tulong sa sektor ng edukasyon at sining, habang pinapasigla rin ang “cultural tourism” at lokal na ekonomiya ng buong lalawigan ng Aurora.