Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking malinis, maayos, at may sapat na kapasidad ang mga ilog, estero, at iba pang daluyan ng tubig sa mga flood-prone area ngayong tag-ulan.
Ayon kay Public Works Secretary Vince Dizon, tuluy-tuloy ang pagpapatupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng Oplan Kontra Baha para mabawasan ang panganib at epekto ng pagbaha.
Kabilang sa mga isinasagawa ng DPWH ang pagpapalalim, pagpapalawak, at paglilinis ng mga waterways upang mapabuti ang daloy ng tubig-ulan.
Patuloy ang operasyon sa Metro Manila, Ilocos Region, Cagayan Valley, Tarlac, Naga, at ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Saklaw din ng Oplan Kontra Baha ang Cebu, Iloilo, Bacolod, Cagayan de Oro, at Maguindanao bilang bahagi ng paghahanda ng pamahalaan ngayong panahon ng tag-ulan.