Lalo pang mapaiigting ang dredging operations sa Marikina River matapos tanggapin ng Pamahalaang Lungsod ang bagong Amphibious Dredger na handog ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ayon kay Marikina City Mayor Maan Teodoro, malaking tulong ito sa kanilang mga hakbang kontra baha lalo’t inaasahan ang mga malalakas na bagyo sa bansa dulot ng El Niño phenomenon.
Kamakailan lang, ininspeksyon ng alkalde ang ginagawang dredging operations sa ilog na matagal na nilang ginagawa dahil bukod sa bahagi ito ng mga hakbang kontra baha, isa rin ito sa mga paraan upang maibsan ang epekto ng kalamidad sa kanilang lungsod.
Kasabay nito, sainabi ni Mayor Maan na kanila pa ring gagamitin ang mga kasalukuyang dredging machines na mayroon ang LGU upang lalong mapalakas ang puwersa at mapabilis ang trabaho.
📸 Marikina LGU

