Sugatan ang isang grade 8 student matapos saksakin ng kapwa menor-de-edad sa labas ng kanyang eskwelahan sa Las Piñas City.
Batay sa police report, paglabas ng paaralan ay bibili lang sana ng inumin ang grade 8 student kasama ang ilang kaibigan pero bigla itong binato ng hallow blocks ng suspek kasama ang apat na iba pa.
Naiwasan naman ng biktima ang pagbato pero hinabol siya at sinaksak sa likod, at iba pang parte ng katawan.
Agad namang tumawag ng pulis ang mga barangay na nakabantay sa eskwelahan kaya nahuli ang apat na suspek habang ang mismong nanaksak ay pinaghahanap pa sa ngayon.
Ang biktima ay agad namang dinala sa Las Piñas District Hospital at nabigyan ng paunang lunas.
Dahil naman ang mga suspek ay nasa 15,16 at 17 years old, sasampahan sila ng reklamong frustrated murder at attempted murder sa Prosecutors Office ng Las Piñas City.