OWWA
Tinuruan ng Overseas Workers Welfare Administration ang kanilang mga iskolar sa Region 3 ng taamang paggamit ng social media sa 2026 Scholars Youth Camp na isinagawa sa sa Balanga City Bataan.
Ayon sa OWWA Regional Welfare Office III nasa 64 na scholars mula Bataan at Zambles ang lumahok sa youth camp at ang tinalakay ay tungkol sa Cyber Awareness at Digital Responsibility.
Layon nitong maituro sa mga kabataan ang kahagahan ng online safety, digital responsibility at pagiging mapanuri sa paggamit ng teknolohiya at social media.
Nagkaroon naman ng pagkakataon ang mga scholars na mapaunlad ang kanilang leadership skills, mapalakas ang kanilang self-confidence, at makabuo ng mas matibay na samahan sa kapwa nila scholar sa pamamagitan ng iba’t- ibang interactive activities at group sessions.
Naniniwala naman ang OWWA na bukod sa tinstanggap nilang educational assistance, mahalaga ding mabigyan ang mga anak ng OFWs ng tamang kaalaman, suporta, at mga oportunidad upang sila ay lumaking responsable, digitally aware, at handa sa kinabukasan. | ulat ni Louisa Erispe