Photo Courtesy: PHIVOLCS
Nakapagtala ang PHIVOLCS ng 29 volcanic earthquake sa Bulkang Bulusan sa nakalipas na 24 oras, batay sa ulat ng ahensya ngayong July 4, 2026.
Nasa 138 tonelada kada araw ang sulfur dioxide flux ng bulkan, batay sa pinakahuling monitoring ng ahensya noong July 26, 2026.
May taas na 70 metro ang plume ng bulkan dulot ng katamtamang pagsingaw.
Naitala rin ang panandaliang pamamaga ng bulkan.
Sa ngayon, nananatiling nakataas ang Alert Level 1 sa Bulkang Bulusan. Dahil dito, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 4-kilometrong Permanent Danger Zone (PDZ) at ang pagpasok nang walang pag-iingat sa loob ng 2-kilometrong Extended Danger Zone (EDZ) sa gawing timog-silangan.
Ipinagbabawal din ang paglipad ng anumang sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng bulkan. Pinaalalahanan din ng ahensya ang publiko na maaaring maganap ang biglaang steam-driven o phreatic eruption anumang oras.