Hindi titigil ang pamahalaan sa paghabol kay dating Ako Bicol Partylist Representative Zaldy Co, upang mapaharap ito sa kasong graph, at mapag-paliwanag sa taombayan.
Pahayag ito ni Communications Usec. Claire Castro, kasunod ng desisyon ng Sandiganbayan na i-archive ang kaso ni Co, bunsod ng pananatili nitong pugante sa nakalipas na anim na buwan mula nang mailabas ang arrest warrant laban dito, na mayroong kaugnay sa flood control scandal.
Sa panayam sa Vancouver, sinabi ng opisyal na hindi pinababayaan ng pamahalaan ang obligasyon nito na hanapin si Co, lalo’t mahalagang masagot niya ang mga akusasyong ibinabato sakaniya.
“Tandaan po natin, siya po mismo ay may kaso. At siya ay may pending warrant of arrest. Totoo po na procedural ito.” —Castro.
Hindi aniya ito nangangahulugan na ibinasura na ang kaso ni Co, bagkus inalis lamang muna sa active cases na dapat i-schedule para sa pag-dinig.
Ang pagsisiguro ng Palasyo, sa oras na mahuli na si Co, agad itong ibabalik sa active cases.