Mas magiging mabilis ang proseso ng impeachment trial kung mismong ang akusado ang haharap sa paglilitis at sasagot sa mga katanungan ng impeachment court.
Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang tanungin kung dapat bang dumalo sa impeachment trial ang akusado.
Sa harap na rin ito ng impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.
Sa panayam sa pangulo sa Vancouver, Canada, sinabi nito na nasa akusado pa rin kung nais nilang dumalo sa pagdinig.
“And it’s really up to the accused whether or not they feel the need to appear. I guess the lawyers on the defense side will give their advice. It’s not for me to say one way or the other.” —Pangulong Marcos Jr.
Sa ganitong paraan kasi, mas madali nitong maipapaliwanag ang sarili sa mga kwestyon na ibabato sakaniya.
“And the accused can answer directly, not through secondary channels, not through the lawyers. Kung diretso makasagot, syempre magiging maliwanag ang proceso, madali ang proseso.” —Pangulong Marcos Jr.
Sabi ng pangulo, kung ilalagay niya ang sarili sa posisyon, siya pa mismo ang pipilit sa kaniyang mga abogado na haharap siya sa pagdinig, lalo na’t kaya naman niyang sagutin at ipaliwanag ang kaniyang sarili.
“But if I’m just trying to put myself in that position, I would probably myself, if it was me being accused, I would almost insist over the advice of lawyers, if they advise me not to appear, I would insist on appearing. Kasi kaya ko naman sagutin, sige sagutin natin.” —Pangulong Marcos Jr.