Itinalaga muli si Atty. Reginald Tongol bilang tagapagsalita ng Senate Impeachment Court para sa paglilitis kay Vice President Sara Duterte.
Una nang nagsilbi si Tongol bilang spokesperson ng Impeachment Court noong unang beses na-impeach ng Kamara si VP Sara noong 19th Congress.
Bilang spokesperson, si Tongol ang magsisilbing primary point person na sasagot sa mga katanungan ng media tungkol sa mga aksyon ng Senate Impeachment Court.
Sa Press Conference pagkatapos ng unang hearing ngayong araw, ipinaliwanag ni Tongol kung bakit magkasama sa rostrum sina Senate President Sherwin Gatchalian at Impeachment Court Presiding Officer Chiz Escudero.
Ayon kay Tongol, pagpapakita itong magkapantay sina Escudero at Gatchalian pagdating sa Impeachment Trial.
Mananatili aniya ang ganitong setup sa buong Impeachment Trial.