Naghahanda ang Commission on Elections (COMELEC) sakaling may malakas na pag-ulan habang isinasagawa ang BARMM Parliamentary Elections sa September 14.
Sang-ayon kasi sa Omnibus Election Code, may kapangyarihan ang Comelec na ipagpaliban ang eleksyon dahil sa kalamidad.
Ayon kay Comelec Chair George Garcia, tinitingnan nila kung saan ililipat ang voting centers kapag may malakas na pag-ulan para matiyak na makakaboto pa rin ang mga residente.
Kumpiyansa naman ang opisyal na makakapagpadala ng resulta kahit may bagyo o pag-ulan at hindi mapipigilan ang data transmission dahil gumagamit sila ng high-quality Starlink systems.
Hindi rin aniya nakikitang mababasa ang mga election paraphernalia at kagamitan dahil secured ang mga ito sa kanilang mga warehouse.