Kinumpirma ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesperson Supt. Jayrex Joseph Bustinera na nasa Quezon City Jail Male Dormitory (QCJMD) na ang negosyanteng si Aristotle Viray na kapwa akusdao ni Senador Rodante Marcoleta, dating Cong. Mike Defensor, at negosyanteng si Joseph Espiritu sa kasong plunder.
Sa isang mensahe sa media, sinabi ni Bustinera na bandang alas-12:55 ng hapon nailipat sa nasabing kulungan si Viray.
Nabatid na pasado alas-9:30 ng kaninang umaga nang ilabas sa PNP General Hospital si Viray na naaresto kagabi sa isang gasolinahan sa Quezon City ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group.
Dinala muna siya sa Sandiganbayan para sa pagbabalik ng arrest warrant at commitment order bago tuluyang dinala sa Quezon City Jail Male Dormitory.