Umaasa ang isang Constitutional Law Expert na hindi na patatagalin ng defense at prosecution panels ang pagdinig ng Senate court sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service kay Atty. Domingo “Egon” Cayosana, binigyang-diin nito na halos karamihan sa mga ebidensya ay nakita naman na sa mga public forum at ang kaibahan na lamang ay ang pagpresinta ng mga ito sa impeachment court.
Ayon kay Cayosa, pareho namang magagaling ang mga abogado ng magkabilang panig kaya dapat tumbukin na nila ang katotohanan para sa interes ng taumbayan at para makapagbigay nang paghuhusga ang senator-judges.
Aniya, kapag nagawa ito, dito na masasabi kung karapat-dapat pa bang manatili sa puwesto si Vice President Sara lalo’t iyon naman ang isyu.