Photo courtesy of Department of Finance
Tinitingnan ng Sumitomo Corporation ang pagpapalawak ng investments nito sa railway at energy infrastructure sa Pilipinas.
Kabilang sa pinag-aaralan ng kumpanya ang operations and maintenance support para sa North-South Commuter Railway, gayundin ang renewable energy projects sa bansa.
Ikinagalak ni Finance Secretary Frederick Go ang interes ng Sumitomo, na aniya ay nagpapakita ng patuloy na kumpiyansa ng Japan sa ekonomiya at infrastructure pipeline ng Pilipinas.
Ayon sa Department of Finance, mahigit apat na dekada nang katuwang ng bansa ang Sumitomo sa rail development, kabilang ang MRT-3 at LRT-1.
Sinabi ng DOF na ang posibleng dagdag na investments ng Sumitomo ay bahagi ng lumalakas na interes ng foreign investors sa mga proyektong pang-imprastraktura at enerhiya sa Pilipinas.