Naibalik na ng Senate Impeachment Court sa Bureau of Internal Revenue ang ‘BIR box’ o ang kahon na naglalaman ng tax records ni Vice President Sara Duterte.
Matatandaang pinabalik ng Senate Impeachment Court sa BIR ang kahon na isinumite ng prosekusyon bilang bahagi ng kanilang ebidensya sa paglilitis at iminosyon nilang mabuksan at mamarkahan na ang mga nilalaman ng kahon.
Una nang sinabi ni Impeachment Court Presiding Officer Chiz Escudero na wala pa sa custodial legis ng impeachment court ang kahon dahil wala pa naman itong lawful order para ibigay ang kahon sa Senado na tumatayong impeachment court.
Nanggaling ang kahon sa opisina ni Senate Secretary Renato Bantug Jr. ang kahon.
Sa impormasyon mula sa impeachment court, ibiniyahe ng Senate Sergeant at Arms ang kahon at may kasamang police escort ang van na naghatid nito.
Tinanggap aniya ito ni Atty. Anne Loraine Garcia-Marquez ng Office of the BIR Commissioner bandang 11:07 ng umaga.
Ang naturang kahon ay isinusumite ng prosekusyon bilang bahagi ng kanilang ebidensya sa paglilitis at iminosyon nilang mabuksan at mamarkahan na ang mga nilalaman ng kahon. | ulat ni Nimfa Asuncion