Dinala na sa Sandiganbayan ang kapwa akusado ni Sen. Rodante Marcoleta sa kasong plunder na si Aristotle Viray buhat sa PNP General Hospital sa Kampo Crame.
Pasado alas-9:30 ng umaga ngayong Martes nang ilabas sa PNP General Hospital si Viray na naaresto kagabi sa isang gasolinahan sa Quezon City kagabi ng mga tauhan ng PNP-CIDG.
Ayon kay PNP Acting Spokesperson, PCol. Allan Rae Co, dinala sa PNP-GH si Viray matapos tumaas ang blood pressure kagabi pero agad idineklarang “cleared” ng mga sumuring doktor.
Dahil cleared na sa test, wala nang dahilan para mag-overstaying sa ospital si Viray kaya dinala na ito sa Sandiganbayan para sa return of warrant.
Samantala, sumailalim naman sa laboratory test si Marcoleta ngayong umaga na naka-confine pa rin sa PNP-GH sa Kampo Crame.
Ayon sa PNP Health Service, nag-fasting kagabi ang senador para sa kaniyang serye ng laboratory examination ngayong umaga.
Paglabas ng resulta ng mga pagsusuri, saka pa lamang malalaman kung procedures o work-ups para sa senador.