Humingi ngayon ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 sa mga pasahero sa mabagal na byahe ng ilang tren ngayong umaga.
Sa inilabas nitong abiso, pansamantalang nagpapatupad ng 40 kilometers per hour speed restriction ang MRT-3 partikular sa southbound line mula Santolan Station hanggang Ortigas Station matapos makaranas ng signaling issue.
Bahagi umano ito ng safety measures kasunod ng Automatic Train Protection (ATP) brake activation bandang alas-6:08 ng umaga.
Dahil dito, nakaranas ng heavy volume o matinding dagsa ng mga pasahero sa ilang istasyon ng MRT-3.
Sa kasalukuyan naman, 18 tren ang bumibiyahe sa linya.
Tiniyak din ng pamunuan ng MRT-3 na nagpapatupad sila ng crowd management measures para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.