Tiniyak ni Senate Minority Leader at Senator-Judge Alan Peter Cayetano na patuloy na makikilahok sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ang minorya ng senado kahit pa tutol sila sa pagkakahalal ni Senador Chiz Escudero bilang presiding officer ng impeachment court.
Ayon kay Cayetano, ayaw nilang maantala ang paglilitis habang ninanais na maibigay ang tunay na hustisya at due process kaya nagrehistro na lang sila ng continuing objection.
Binigyang-diin ng minority leader na nakasaad sa konstitusyon na senate president ang dapat na tumayong presiding officer ng impeahcment court at kung babaliin ito ay maaaring masundan lang ito ng iba pang paglabag.
pinahayag rin ni Senator Judge Senadora Imee Marcos na unconstitutional ang paghalal kay Escudero bilang Presiding Officer pero bahagi ng tungkulin nilang lumahok sa impeachment proceedings. | ulat ni Nimfa Asuncion