Mahigit 248,000 na ektarya ng standing crops sa buong bansa ang pinangangambahang maapektuhan ng Bagyong Inday.
Sa panayam ng programang BOSES, sinabi ni Department of Agriculture (DA) Spokesperson Assistant Sec. Arnel De Mesa, kabilang dito ang mahigit 183,000 ektarya ng palayan at halos 65,000 ektarya ng taniman ng mais.
Karamihan sa mga ito ay nasa seedling at vegetative stage kaya’t patuloy na binabantayan ng kagawaran ang sitwasyon.
Dagdag pa ni De Mesa na nakahanda na rin ang mga intervention ng DA para sa mga maaapektuhang magsasaka kasama na rito ang insurance at loan packages sa mga maaapektuhang magsasaka at agri stakeholders.