Patuloy na tinatangkilik ng sambayanang Pilipino ang mga agri-produce at mga produktong ibinebenta sa mas abot kayang halaga sa Kadiwa ng Pangulo program.
Sa panayam ng programang BOSES kay Department of Agriculture (DA) Spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa sinabi nitong sumampa na sa mahigit apat na bilyong piso ang total sales ng Kadiwa ng Pangulo.
Nasa mahigit labing-isang milyong Pilipino na rin ang nakinabang sa abot-kayang presyong mga bilihin ng Kadiwa ng Pangulo na sumampa naman sa mahigit 800 ang operating outlets sa buong bansa.
Nangangahulugan ito na mas maraming magsasaka rin ang natutulungan ng pamahalaan na mabigyan ng sapat at makatarungang kita.