Buwan ng Setyembre inaasahang maglalabas na rin ng kani-kanilang pasya ang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards para sa posibleng dagdag-sahod sa iba pang rehiyon ng bansa.
Sa ambush interview sa Pulilan, Bulacan, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tuloy- tuloy naman ang pag-aaral para madetermina kung kailangan ang dagdag, magkano ang umento na ibabatay sa sitwasyon at presyo ng mga bilihin sa bawat rehiyon.
Anya, ilalabas ang mga rekomendasyon ng bawat wage board matapos makumpleto ang kanilang pag- aaral.
Kaugnay nito ay inihayag ng Pangulo na nasa mahigit ₱200 na ang kabuuang itinaas ng minimum wage sa National Capital Region (NCR) na aniya’y pinakamalaking naitalang wage increase sa Kalakhang Maynila sa buong kasaysayan ng bansa.