Kanselado ang ilang byahe ng sasakyang pandagat sa iba’t ibang lugar sa bansa dahil sa inaasahang epekto ng Super Typhoon Inday.
Dahil dito stranded ang ilang pasahero.
Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), kabilang sa kanseladong byahe ng barkong ay sa ruta sa Batangas, Bohol, Eastern Leyte, at Samar.
Kanselado rin ang biyahe sa mga pantalan sa Masbate, Mindoro, Palawan, Panay at Guimaras, Surigao, Zamboanga, at Zamboanga del Norte.
Habang stranded ang isang RoRo vehicle sa Panay/Guimaras dahil sa masamang panahon.
Muli namang nagpaalala ang PPA sa mga pasahero na makipag-ugnayan muna sa mga shipping lines bago magtungo sa mga pantalan para maiwasan ang abala.