Nagsagawa ng clearing operations ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang binahang bahagi ng Metro Manila, matapos ang localized thunderstorm kagabi, July 7, 2026.
Kabilang sa tinutukan ng DPWH ang bahagi ng V. Luna Road at EDSA North Avenue sa Quezon City; EDSA Ortigas service road sa Mandaluyong, Governor W. Pascual Avenue at Barangay Catmon sa Malabon City; Blumentritt corner Piy Margal sa Maynila; at Ramon Magsaysay Boulevard at V. Mapa sa Sta. Mesa, Maynila.
Ayon sa DPWH, wala pang isang oras ay humupa na ang baha matapos alisin ng Quick Response Team ang naipong basura sa mga daluyan ng tubig.
Nagsagawa rin ang ahensiya ng manual cleaning at declogging sa mga drainage inlet.
Patuloy namang nakaantabay nang 24/7 ang DPWH sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at komyuter ngayong tag-ulan.