“Very Satisfied” ang House Prosecution team sa itinakbo ng paglilitis sa day 2 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa isang press conference sa Senado, sinabi ni House Prosecutor Lorenz Defensor, naka-score sila dahil sa mga iprinisinta nilang ebidensya kabilang dito ang video ni VP Sara Duterte na nagpapakita ng kanyang pagbabanta laban sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.
Isinalang ng prosecution panel si NBI Senior Agent John Mark Calilung upang patunayan at i-authenticate ang video recording ng online briefing ni VP Sara noong 2024 kung saan niya sinabi ang kanyang pagbabanta.
Ayon kay Defensor, malaking hakbang ang nagawa ng kanilang team sa pangunguna ni Counsel for the Prosecutor Atty. Amando Virgil Ligutan na siyang nag-eksamen ng saksi.
Tiniyak ni Defensor na kanilang isu-sustain ang kanilang istratehiya at energy sa paglilitis.