Patuloy na sumasailalim sa gamutan si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manny Bonoan habang nananatiling naka-confine sa PNP General Hospital.
Ayon kay PNP General Hospital Internal Medicine Department Chief Police Lieutenant Colonel Belany Bayani, ginagamot si Bonoan dahil sa hypertensive vascular disease at chronic kidney disease o CKD.
Bukod sa mga gamot na iniinom nito, sinabi ni Bayani na mahigpit ding mino-monitor ng mga doktor ang kondisyon ng dating kalihim.
Bago ilipat sa PNP General Hospital, sumailalim si Bonoan sa 2D echo at angiogram sa isang pribadong ospital sa Pasig City.
Matatandaang nasa ilalim ng hospital arrest si Bonoan alinsunod sa utos ng Sandiganbayan kaugnay ng kasong plunder na may kaugnayan sa umano’y maanomalyang flood control projects. | ulat ni Diane Lear